Pasipsip
Kaibigan o Barkada ikalawang pamilya at mga kapatid na maasahan, Hindi lang mga kaibig kundi minsa'y mga mahal mo sa Buhay/pamilya. Ngunit bakit parang salungat Ang nangyayari Minsan?. Kung sino pa Ang ating mga kakampi'y sila pa Minsan Ang sisira at nakakapasakit sa ating damdamin, na minsan ay kilala ka lang kapag may kagustohan at pangangailangan. Hindi mawari kung sila ba ay totoo o huwad.
Sa ika-sampung(10) Kabanata sa El Filibusterismo mababasa ang isang pangyayari kung saan pinagkakaguluha ng mga mamamayan ng San Diego si Simoun na nagbebenta ng mga alahas na Hindi totoo, kahit silay gipit na gipit na sila sa pera ay bumili parin sila para ibigay/ regalo sa mga Prayle, Kapitan Heneral at mga matataas sa kanila o mga mas may kaya sa buhay.
Ayon sa aking pananliksik, nakakalungkot man na isipin, ay maraming nakakaranas sa mga pangyayaring ito, na sariling pamilya o mga mahal mo sa buhay ang gumagawa sa sitwwasyong pagpapasipsip. Ito'y aking naranasan, maging sinoman ay nakaranas na nang ganitong pangyayari. Mga taong importante sa aking buhay ang dahilan kung bakit may dinadala akong mabigat sa dam damin. Paulit-ulit Kong nadadama, nasasaktan, na ang akala nila'y hindi ko nakikita ngunit mali sila. Lahat naramramdaman, sa mga galawan nila, sa panggagamit nila sa akin,paghingi ng tulong kung gusto nila at pumapansin lang sila kapag may kailangan.
Ngunit kahit ganiyan ang sitwasyon, hindi ko kailangang magmakaawa sakanila para lang hindi ako masaktan sapagkat walang mawawala sa akin at may mga tao talaga na ayaw kang maging masaya kaya sinisiraan at ginagamit ka.Mahusay makisama sa iba na walang reklamo, ngunit hindi kayang pakitungohan ang mahal sa buhay, kaibigan, kapamilya o kadugo. Kahit ganyan kailangan nating maging matatag para hindi tayo maapi.